Friday, June 20, 2014

Pinoy seafarer sa US nabagok ang ulo, tigbak

WALA ng buhay nang matagpuan ang isang Filipino seafarer na crew ng container ship, sa Port of Los Angeles sa California, USA.


Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, namatay ang biktima dahil sa “industrial accident” sa barkong Cap Posada.


Ayon kay port spokesman na si Phillip Sanfield, namatay ang Pinoy dahil sa matigas na bagay na tumama sa ulo nito dahil sa naputol na cable habang inililipat ang mga container.


Hindi pa tinukoy ang pangalan ng biktima bagama’t ipinaalam na sa Philippine consulate at pati na rin sa pamilya nito.


The post Pinoy seafarer sa US nabagok ang ulo, tigbak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinoy seafarer sa US nabagok ang ulo, tigbak


No comments:

Post a Comment