PINAWI ng Malakanyang ang pangamba ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi sila magpapalabas ng watered-down version ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Tugon ito ng Malakanyang sa naging pag-aalala ng Bangsamoro Transition Commission na baka watered-down version ang maisumite ng Malakanyang sa Kongreso lalo pa’t malapit nang mag-recess ang sesyon doon.
“Hindi naman. I can assure…Well, si Chair (Mohagher) Iqbal will…We can assure Chair Iqbal that the Bangsamoro Basic bill will reflect the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro and its annexes,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.
Nauna nang ipinahayag ni MILF chief negotiator Mohaquer Iqbal na nangangamba sila na baka magpalabas ng watered-down version ang pamahalaan ng draft bill ng BBL at ibitin ang pagpapalabs nito.
Sinabi naman ni Sec. Lacierda na hindi nila pa ipinalalabas ang draft ng BBL dahil patuloy pa nila iton pinag-aaralan.
“We are here to review that it complies with the provisions of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB),” ayon kay Sec. Lacierda. “We are also making sure that this will stand judicial scrutiny. So, in both cases, we want to make sure that… to a large extent, we want to make sure that when it goes to Congress, it will be as smooth as possible.”
Samantala, sinabi ng opisyal na isusumite ni Pangulong Benigno Aquino III ang BBL sa Kongreso kung saan ay isesertipika pa niya ito bilang “urgent bill”.
The post Pangamba ng MILF, pinawi ng Malakanyang appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment