PINALAGAN ng isang solon ang pailalim na pagtatangkang pagsasaligal sa paggamit ng marijuana dahil nagbabanta ito ng malaking panganib sa bansa kapag nakalusot sa Kongreso.
Ayon kay Sen. Vicente Sotto III, isang hakbang na pagkakamali sa paggamit ng marijuana ay tila ‘atomic bomb’ na sasabog na makapipinsala sa marami sa isang iglap.
Naninidigan ang solon na walang ibang mamayagpag dito kundi ang mga sindikato ng droga.
Aniya, ‘misleading’ ang panukalang pagsasaligal ng marijuana na nagtatago sa ilalim ng terminong ‘medicinal marijuana’.
Sa kabila aniya ng sinasabing para sa ‘medical purposes’ ang pagsasaligal nito, nagbibigay na rin ito ng pahintulot sa lahat para abusuhin ang paggamit nito.
Si Sotto ay dating chairman ng Dangerous Drug Board.
Inihain ang panukalang batas sa Kongreso na isa-ligal ang paggamit ng marijuana para sa medical purposes base sa naging mga pag-aaral sa abroad na nakagagamot ito sa mga sakit.
Umaani na aniya ng suporta sa mga mambabatasna pabor sa paggamit ng marijuana para sa paggamot sa ilang mga sakit.
Sa ilalim ng Republic Act 9165, o mas kilala bilang Dangerous Drugs Act of 2002, itinuturing ang marijuana na isang mapanganib na droga.
Ang pagtataglay at paggamit nito ay may parusa mula 12 taon hanggang habambuhay na pagkabilanggo depende sa sa dami ng taglay o ginagamit na droga.
Higit sa lahat, ang Pilipinas ay isa sa lumagda sa United Nation’s Single Convention on Narcotic Drugs na itinuturing ang marijuana bilang dangerous drug, partikular sa United Nation’s Commission on Narcotic Drugs (UN-CND) Schedule IV.
The post Pagsasaligal sa marijuana inalmahan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment