MAAARI pang maulit ngayong araw ang malakas na pagbuhos ng ulan kahapon, pati na ang baha sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon kay PAGASA forecaster Manny Mendoza, huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 240 silangan ng Baler, Aurora.
Kabilang sa mga posibleng ulanin ay ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Bataan, Batangas, Bulacan, Laguna, Nueva Ecija at Quezon.
Sa ngayon ay makapal pa rin umano ang kaulapang dala ng LPA sa kabila ng mga pag-ulan kahapon.
Magugunitang libu-libo ang stranded kagabi sa maraming lugar sa Metro Manila dahil sa baha, habang may mga mall at iba pang gusali na pinasok din ng tubig.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga naninirahan malalapit sa ilog at mabababang lugar dahil sa posibilidad ng pagtaas muli ng tubig dahil sa LPA at habagat.
The post Pagbaha kahapon, posibleng maulit muli – PAGASA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment