MAHIGIT sa P1.5 milyong halaga ng shabu ang narekober ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-9) sa Zamboanga City na isinilid sa loob ng rice cooker at ipinadala sa pamamagitan ng package sa LBC Express Philippines.
Ayon kay PDEA IX Regional Director Jeffrey Alama Bangsa, inabangan nila ang suspek sa may LBC Branch, Veterans Avenue habang kinukuha ang nasabing package mag-alas-11:00 ng umaga.
Kinilala ang suspek na si Ali Sahisnain Alimuddin, 34, nagdadala rin ng pangalang Danhil Asi Amadin at residente ng Arquiza Drive, Barangay Mampang ng lungsod.
Nabatid na nanggaling ang nasabing package mula sa Maynila na dumating sa lungsod nitong Lunes.
Sinabi ni Bangsa na una ng na-detect ng kanilang K9 drug sniffing dog na may nilalaman na hinihininalang shabu ang nasabing package nang ibinaba pa lamang ito sa Zamboanga International Airport.
Pero hindi kagaya noong una na kaagad nilang kinukumpiska ang mga kanina-hinalang mga package, sa ngayon ay napag-desisyunan umano nilang hayaan muna kung sino ang kukuha rito.
Nang buksan ang karton ng package kung saan inilagay ang isang rice cooker, narekober dito ang nasa 10 malalaking pakete ng shabu na umabot sa 500 grams ang bigat tinatayang may market value na P1.5 milyon.
The post P1-M shabu nakumpiska sa rice cooker appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment