Tuesday, June 3, 2014

OPLAN: HILAMOS, DAPAT… PULIS MISMO

experto MALAKING pondo ang inaprubahan para gamitin sa tinatawag na ‘Facelift’ o hilamos ng mga himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.


Ito raw ang paraan nang sa gayun ay gumanda ang imahe ng pulisya sa taumbayan mula sa bawat opisina, palikuran at magandang pintura ng mga himpilan ng pulis.


Marapat lamang naman talagang ayusin ang mga himpilan upang maging propesyonal naman ang turing sa ating mga pulis pagdating sa kanilang opisina o sa Ingles ay ‘Workplace’.


Marapat din naman talagang ayusin ang mga himpilan upang kaaya-aya naman sa paningin at pang-amoy ng taumbayan ang mga opisina ng pulis maging ang mga presinto. Hindi ‘yung mukhang hawla ng mga insekto!


Pero hindi na sana isinangkalan pa ng pamunuan ng pulisya maging ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Mar Roxas ang pagpapaganda ng imahe ng pulis gamit ang Oplan: Hilamos.


Kung hilamos din lamang ang pag-uusapan, tiyak na aayon sa akin ang taumbayan kung sasabihin kong dapat… pulis mismo ang hilamusan. Kulang pa nga ang hilamos kundi dapat ay luglugan pa ang mga ungas sa PNP.


Kapag sinabi kong mga ungas sa loob ng PNP ay hindi lamang ‘yung mga nasa ibaba kundi lalong higit doon sa mga nasa itaas mula tenyente hanggang heneral na may mga pinag-aralan pa naman kaya naging opisyal ng pulis pero ungas.


Hindi ko naman nilalahat pero alam naman natin na hindi totoo na kakaunti lamang daw ang mga ungas na pulis. Ang totoo niyan, kakaunti lamang ang mga matitinong pulis.


Nito lamang nakaraan ay may nagpadala sa akin na text message mula Brgy. Calapacuan doon sa Subic, Zambales. Ang sabi niya, talamak na raw ang bentahan ng droga sa kanilang lugar at may holdapan pa. Ano kaya ang ginagawa ng mga pulis doon? ‘Di ba, Pe Enpe Tsep?


###


BAKIT IKAW PA, CONG. BELLO?


ABA’Y nagbago [yata] ng pananaw itong si Akbayan Partylist Cong. Walden Bello nang ipunto nitong dapat na rin payagan ng korte si dating pangulong Gloria Arroyo na magpiyansa kaugnay ng kasong pandarambong sa pondo ng PCSO.


Ito’y matapos payagan na magpiyansa ang kasama ni Aling Gloria sa kaso pero ang nakalilito ay kilala naman natin ang kinakatawan ni Bello sa Kongreso na matinding kritiko noong nakalipas na administrasyon.


May punto si Bello pero sana naman, para lamang sa delicadeza kung meron man, hindi na dapat ang kinatawan ng Akbayan na kritiko noon ni Aling Gloria ang nagbigay ng ganitong pahayag. Magkano ba, kung meron man?


***

Para sa inyong komento o suhestyon: 09237397381


The post OPLAN: HILAMOS, DAPAT… PULIS MISMO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



OPLAN: HILAMOS, DAPAT… PULIS MISMO


No comments:

Post a Comment