NAISYUHAN na ng notice of disallowance ang Commission on Audit (COA) na sumasakop sa halagang P1.828 bilyong pork barrel ng mga kongresista.
Ito ang ginawang kumpirmasyon ni COA Chairman Ma. Grace Pulido Tan sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Good Government Committee kung saan sinabi niyang sakop ng inisyung notices of disallowance na ito ang mga transaksyong dumaan sa Technology and Resource Center, National Livelihood Development Corporation (NLDC), ZNAC Rubber Estate Corporation (ZREC) at National Agri-business Coporation (NABCOR).
May ilalabas pa aniyang notices of disallowance para sa halagang P4.961 bilyon na halaga ng pork barrel na dumaan naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ZREC, NABCOR, TRC at ilang non-government organizations (NGO).
Kasabay nito, nilinaw ni Pulido-Tan na hindi galing sa kanya ang detalyeng lumabas sa pahayagan na mayroong 120 pa na mambabatas na kanilang iisyuhan ng notices of disallowance.
Aniya, ang mga naisyuhan at iisyuhan pa nila ng notices of disallowance ay nakalista na sa special audit report ukol sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) para sa taong 2007-2009.
Ito’y matapos kwestyonin ni 1-BAP Partylist Rep. Silvestre Bello si Pulido-Tan kung bakit inilabas sa media ang impormasyong ito gayong malaking dagok na naman ito sa Kongreso.
Dahil dito, hinamon ni Bello si Tan na ilabas ang listahan ng mga mambabatas na inisyuhan at iisyuhan pa ng notices of disallowance.
Giit ni Bello, masyado na aniyang naiihaw at hubad na hubad na sa mata ng publiko kaya hindi tamang nagugulantang sila ng mga report na wala silang kaalam-alam.
Maging ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay naisyuhan na rin ng notice of disallowance para sa mga proyekto nito na nagkakahalaga ng P184 milyon na ang pinakamarami aniya ay ang Region 11 kung saan nagkaroon ito ng siyam na proyekto mula 2009 hanggang 2010.
Kasama ito sa P16.592 bilyon na kontratang naigawad ng DPWH sa 12 kontratista noong 2009 hanggang 2010.
The post Notice of Disallowance, inisyu ng COA sa P1.8 pork appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment