Friday, June 6, 2014

Niyugan sa CALABARZON inatake ng peste

INILAGAY na sa state of emergency ang mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Quezon at Laguna dahil sa pag-atake ng peste sa mga puno ng niyog.


Sa report, nagdeklara ng state of emergency sa ipinalabas na Executive Order No. 169 si Pres. Benigno Simeon Aquino III kahapon, Biyernes, dahil dito.


Paliwanag ni Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Kiko Pangilinan, 2010 pa nagsimula ang problema sa peste at kumalat na sa mga lalawigan.


Posible umanong abutin na rin ng peste ang Bicol kaya kailangan na ang emergency measure ng mga pamahalaang lokal, ng mga ahensya ng pamahalaan, Philippine National Police (PNP), Department of Agriculture (DA) at Philippine Coconut Authority (PCA).


Umabot na umano sa 1 milyong mga puno ng niyog sa apat na lalawigan ang inatake ng peste at P200 milyon ang nalulugi kada taon sa mga magniniyog.


Bilyong piso umano ang halaga ng posibleng epekto nito kapag nadamay pa ang Region 5.


The post Niyugan sa CALABARZON inatake ng peste appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Niyugan sa CALABARZON inatake ng peste


No comments:

Post a Comment