HANDA na ang National Bureau of Investigation detention cell kung sakaling dito ikulong ang tatlong senador na sangkot sa PDAF scam.
Ayon kay NBI director Virgilio Mendez, walang special treatment na matatanggap sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr. at iba pang sangkot sa PDAF scam kung sakaling dito sila ikulong.
Gayunman, sinabi ni Mendez na sa ngayon ay doble ang populasyon ng detention cell kung saan may kapasidad lamang ito na 50 katao ngunit nasa 100 na ang nakaditene sa nasabing kulungan.
Aniya kasama na nasa detention cell ang mga sangkot sa high profile cases na Aman future scam, Mexican Canadian drug cartel, druglords, maging si Cedric Lee at Zimmer Raz na sangkot sa pambubugbog sa artistang si Vhong Navarro.
Samantala, nakahanda na rin ang Camp Crame Custodial Center ng PNP kung sakaling doon ikukulong ang tatlong senador at tiniyak nilang walang special treatment sa mga akusadong solon.
The post NBI handa sa pagkukulungan ng 3 senador appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment