URBIZTONDO, PANGASINAN – Nahuli na ang dalawang umambus at nakapatay kay Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr. at kanyang dalawang escort.
Sa press briefing, sinabi ni Pangasinan Provincial Office (PPO) director Sr. Supt. Esterling Reymund Blanco, kinilala ang mga suspek na sina Eduardo de Guzman, 65, ng Barangay Salomague Norte at Marito “Mar” Sarmiento, 38, ng Pangascasan, Bugallon.
Ang mga suspek, ayon kay Blanco, ay itinuro ng mga testigo na nakakita ng insidente.
Sa ngayon ay gumagawa na ang PPO ng background investigation sa mga arestadong suspects.
Noong Sabado ng umaga, pinagbabaril si Balolong hanggang sa mamatay kasama ang dalawang bodyguard nitong sina PO1s Eliseo ulanday at Edmund Meneses.
Si Rex Ferrer, isang bystander, ay dinala sa RHU Urbiztondo Medical Center para sa medical treatment.
Naka-recover ng 40 empty shell ng M-16 Armalite rifle at 22 empty shells ng .9 mm pistol.
Sinabi ng PPO na ang sasakyan ng mga hindi pa nakikilalang suspect ay Toyota Innova (dark gray) na may plakang YB-6600 at narekober sa Barangay Caoayan, Urbiztondo.
The post Nang-ambush kay Mayor Balolong arestado na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment