Friday, June 6, 2014

Naiinip at nami-miss na ang utol!

NU’NG huling makapanayam namin si Toni Gonzaga sa Home Sweetie Home, naiinip na siya sa paglabas ni Alex Gonzaga sa PBB All In. Sobrang tahimik daw ngayon ang bahay nila dahil sa pagkawala ni Alex. Parang mini-library.


“E, kasi, kapag nasa bahay ‘yun, kumakanta ‘yun o naglalakad ng naka-bra at panty o kung anu-ano ang ginagawa,” sey ni Toni.


Pero proud din siya sa kapatid niya sa ginagawa nito sa PBB house at natutong mag-sorry ng personal. Dati raw kasi sa text lang ito nagso-sorry.


Actually si Mommy Pinty lang ang nakakaalam kung kailan lalabas si Alex sa PBB. Kahit nga ang daddy nila ay gusto nang palabasin si Alex sa PBB house.


Ayaw rin daw sabihin ni Direk Lauren Dyogi kay Toni kung kailan lalabas si Alex. Nginitian lang daw siya. Kuwento nga ni Toni parang gusto na ring lumabas ni Alex. “Actually, nagsasabi na raw, sa confession room na, ‘Kuya, ang tagal ko na rito.’ Pero, sabi ni Kuya, sa takdang panahon daw.”


Samantala, bukod sa PBB All In, napapanood din siya sa Home Sweetie Home tuwing Sabado.


May mare-realize si Toni sa darating na episode na sa buhay, hindi natin alam kung kailan dadating ang pagsubok. Pino-problema niya ang nagkukulang na tubig sa buong Maynila.


Apektado na rin sila sa Global Warming dahil kulang ang water supply sa Barangay Puruntong.


Isang araw, ibabalita na mawawalan ng tubig ang buong barangay, kaya nag-panic sina Julie. Buti na lang parang boy scout ang kanyang asawang si Romeo (John Lloyd Cruz) dahil lagi itong handa. Nag-ipon ito ng tubig pero makikita nilang ginamit lang ito sa maling paraan.


Ang mas malala, hindi nakapaghanda ang buong pamilya. Paano kaya nila magagawan ng solusyon ang problemang hindi nila handang harapin? Alamin sa Home Sweetie Home, na mapanonood na tuwing Sabado simula ngayong Mayo 24 ng 6:00pm. Huwag palampasin ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows dahil nandiyan din ang Banana Split: Extra Scoop tuwing Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, and Banana Nite tuwing weekdays pagkatapos ng Bandila, ang LUV U tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 19, at ang Goin’ Bulilit tuwing Linggo pagkatapos ng TV Patrol Weekend.


-0o0-


MUKHANG nahihirapan si Dina Bonnevie sa sitwasyon nina Pauleen Luna at Pia Guanio na magkasama sa Eat Bulaga. Ex-girlfriend ni Vic si Pia at girlfriend naman niya ngayon si Pauleen.


Hindi raw madaling task na makisama si Pauleen sa mga anak ni Vic gaya nina Oyo, Danica, atbp. Ganoon din sa mga ex nito. Ito ang pahayag ni Ms. D nang makatsikahan namin siya sa presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.


Pero hindi na siguro isyu at kailangang mag-resign ang isa man kina Pia at Pauleen sa Eat Bulaga. May ibang buhay na si Pia at may asawa na.


Kumbaga, matagal nang may “move-on” na nangyari.


Hindi nga umalis si Pia sa Eat Bulaga nu’ng mag-break sila ni Vic, ‘di lalo na ngayon na may asawa na siya.


‘Di ba?


-0o0-


HOW true na hindi talaga ang leading lady niya sa The Half Sisters na si Barbie Forteza ang girlfriend ni Derrick Monasterio kundi ang younger sister ni Yassi Presmann. Itinatanggi ito ni Derrick at friends lang daw sila. Nakakasama lang daw niya sa mga parties.


Espesyal lang daw ang treatment niya sa mga babae lalo na kung kaibigan at hindi inaasahan na makita sa isang lugar.


Buong ningning na sinasabi ni Derrick na hindi rin siya nanliligaw kay Barbie.


“Lagi nilang sinasabi na kami pero hindi naman talaga kami. Ang nabuo lang talaga sa amin ay yung friendship,” aniya.


Attracted naman daw siya kay Barbie pero bakit hindi niya ito nililigawan?


“Ganoon talaga, mga bata pa kami kaya hindi dapat minamadali ang mga bagay-bagay,” bulalas niya.


Ano naman ang reaksyon niya sa pag-amin ni Sarah Labahti na isa na itong ina courtesy of Richard Gutierrez. Na-link dati si Derrick kay Sarah.


“Napanood ko nga po ‘yun. Happy ako para sa kanya. At saka, bagay naman sila. Nasa tamang edad na sila. Ako, bata pa ako, hindi pa puwede,” reaksyon niya.


Samantala, inamin ni Derrick na nagtampo siya nang mawala siya sa Sunday All Stars. Naging routine na raw niya ang pagpunta sa SAS kaya sad siya na maetsapuwera sa naturang show.


Magaling naman siyang kumanta, marunong sumayaw pero wala siyang magagawa kung ‘yun ang desisyon ng production sa kanya.


At least, meron siyang serye na The Half Sisters na magsisimula sa June 9 kasama sina Barbie, Thea Tolentino, Andre Paras, Jean Garcia, Ryan Eigenmann, Jomari Yllana, Carmen Soriano, JC Tiuseco, Mel Martinez, Carlo Gonzales, Pinky Marquez, atbp.


The post Naiinip at nami-miss na ang utol! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Naiinip at nami-miss na ang utol!


No comments:

Post a Comment