Monday, June 9, 2014

NAGING KANAIS-NAIS ANG “CLIMATE CHANGE” SA BATANES

ang inyong lingkod hilda ong AYON kina DENR – Provincial Environment Natural Resources Officer (PENRO) George R. Reyes, CESO V at OIC Nestor C. Reyes, Chief Management Services Division, mahigit 10 taon nang hindi dinadalaw ng malalakas na bagyo ang naturang lugar. Ayon sa kanila, dulot ito ng climate change.


Ibinubunsod ng mga taga-Batanes na paunlarin ang kanilang turismo. Bilang pangunahing hakbang, ay nagbabagong anyo sila sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng mga disenyong makabago, upang makaagapay sa makabagong panahon.


Kapag narating mo ang Batanes sa panahong ito, makikita ang mga pagbabago dito, pero masasabing napag-iiwanan ang Batanes sa mga makabagong teknolohiya. Mayroon na silang Globe & Smart Mobile services pero mahina ang 3Gs at walang wifi o internet access.


Walang polusyon sa Batanes dahil sa kakaunting de motor na sasakyan. Saan ka man dumako ay wala kang makikitang kalat, basura sa daan. Mayroon silang 3 trash bin at nagsesegregate sila ng basura, tunay na disiplinado sila sa bahaging ito ng kalinisan.


Mapapansin din na, maliit lamang ang kanilang populasyon sa nasabing isla, sapagkat, ang Batanes group of island ang pinakamaliit na probinsya sa Pilipinas. Ito ay kinabibilangan lamang ng 10 isla na kung saan ang isla ng Batan, Sabtang at Itbayat ang tinitirhan lamang ng tao.


Ang nasabing mga tao na naninirahan sa naturang mga isla ay tinatawag na Ivatans na lahi mula sa Austonesians na napadpad at tuluyan nang tumira sa Batanes Island may 4,ooo taon na ang nakararaan.


Ang landscape ng Batanes ay kakaiba dahil sa, makitid na taluktok, mataas na bulubundukin, malalim na bangin at mabatong baybayin. Sa mga katangiang ito ng Batanes ay kamangha-mangha itong bisitahin, at isang lugar na tunay mong madarama na kasama mo ang kalikasan.


Tunay na malaki ang nagawa ng “Climate Change” sa kanais-nais na sitwasyon at kondisyon ng Batanes sa kasalukuyang panahon.


The post NAGING KANAIS-NAIS ANG “CLIMATE CHANGE” SA BATANES appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NAGING KANAIS-NAIS ANG “CLIMATE CHANGE” SA BATANES


No comments:

Post a Comment