Monday, June 2, 2014

MNLF bomb expert tiklo sa Sulu

ARESTADO ang isang Moro National Liberation Front (MNLF) na sinasabing isang bomb expert sa Sulu.


Ito’y kasunod ng inilunsad na joint operation ng mga kasapi ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Indanan Municipal Police Station, kasama ang tropa ng the Armed Forces of the Philippines (AFP) sa munisipyo ng Indanan lalawigan ng Sulu.


Sa report, kinilala ang suspek na si Mihaji Hamjuda, alyas Mahang, nadakip alas-10:30 ng umaga kahapon sa Barangay Kajatian sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Parang, Sulu Regional Trial Court (RTC) Branch 4.


Ang naaresto ay sinasabing sangkot sa September 2009 bombing sa Barangay Kagay, Indanan na ikinamatay ng US Navy personnel na sina SSG Jack Martin at SFC Christopher Shaw at isang miyembro ng Philippine Marine habang tatlo naman ang sugatan.


Nabatid na papunta sana ang mga sundalo sa isasagawang inspeksyon sa school project sa lugar nang pasabugan ng malakas na landmine ang kanilang sasakyan.


Sinasabing sangkot din ang suspek sa nangyaring October 2002 bombing sa Zamboanga City malapit mismo sa army detachment kung saan isa ring sundalong Amerikano ang namatay.


Iniimbestigahan na ang nasabing salarin.


The post MNLF bomb expert tiklo sa Sulu appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MNLF bomb expert tiklo sa Sulu


No comments:

Post a Comment