ANG National Water Resources Board (NWRB) ay ang natatanging ahensya ng pamahalaan na siyang nakakaalam at may karapatan para sa lahat ng mga yamang-tubig ng Pilipinas na naatasang mag-isyu ng water permits.
Ang pangunahing gawain ng NWRB ay ang pagiging economic regulator sa mga pribado at sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Ibinibigay ang water permits sa mga indibidwal o grupong nag-aplay ng water permits para sa: domestikong gamit, patubig, suplay ng kuryente, pangingisda, pang-industriya, nag-aalaga ng hayop, libangan at komersyal na nakasaad sa Presidential Decree 1067 o kilala bilang Water Code ng Pilipinas noong 1976, kung saan binibigyang karapatan o water rights ang water permittee sa naangkop na paggamit niya ng tubig.
May isyu kung may water permit ang Rural Water Works Sanitation Association (RWWSA) sa Tabuelan, Cebu City. Ayon sa source, nailipat na ang pamamahala ng tubig sa Tabuelan Water District, subalit ang water permit ay nakapangalan sa Rural Water Works Sanitation Association.
May mga katanungan para sa Tabuelan Water District, una, kung nag-apply sila ng “Petition to Change Name” o kaya, bilang Water Permittee, may NWRB Water Permit silang maipakita? Kung wala, kailangan nilang makipag-ugnayan sa NWRB para malaman kung ang kanilang operasyon ay ligal o iligal?
Noong 2003, nag-file ng Water Permit Application (WPA) ang Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) para sa paggamit nila ng deepwell, ngunit ito’y na-denied ng NWRB. Bakit patuloy pa rin ang paggamit at pag-supply nila ng tubig sa CPDRC building? May pahintulot na po ba mula sa NWRB o may water permit na ba ang CPDRC?
Ang Bagong Buhay Rehabilitation Center (BBRC) sa may Camp Sotero Cabahug, Gorodo Avenue, Cebu City, may NWRB water permit o wala?
The post MAY WATER PERMIT NA KAYA ANG CEBU TABUELAN WATER DISTRICT, CPDRC AT BBRC? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment