Saturday, June 7, 2014

May itsu naman…masagwa lang!

MAKAILANG ulit ko ng nababasa ang mga emote ni young actor sa kanyang twitter at maging sa kanyang FB account. Halatang malaki ang hinampo nito sa kanyang talent manager dahil kung noong una, pasaring lang ang mga ipino-post nito sa kanyang twitter at FB account, recently binanggit na niya ang kanyang manager na kesyo makitid daw ang utak at siyang may attitude problem, kabaliktaran ng ibinibintang sa kanya nito at isa raw sa mga dahilan kaya wala pang project sa ngayon si young actor.


Bagay na ikinaiinip/ikinaiirita nga raw ni young actor dahil sa tengga at nganga lang siya recently sa kanilang house at walang mapag ka-busyhan. At ofcourse wa din siyang compensation natural dahil wala nga namang sweldo bilang isang tambay?! Hahahaha! Pero para patas at ma-vindicate si young actor sa mga hinaing niya, nag effort akong tanungin ang real score between kay young actor at sa talent manager nito sa aming common friend.


Doon ko napag-alaman ang tunay na dahilan kung bakit tengga at zero(wena) ngayon sa anomang TV o maging movie project si young actor. Ayaw raw kasi nitong pagbigyan ang kanyang manager sa hiling nito na matulog siya sa bahay nito. E, ‘di kase naman saan mang lakad kung hindi man showbis o personal na lakaran, madalas nitong kasama ang kanyang very supportive na biological mother. O, kung minsan ay isa o dalawa sa kanyang pinsan o uncle.


Kaya ayon sa kwento ni talent manager sa aming common friend, bibigyan niya lamang ito O ihahanap ng project/tv assignments kapag natulog na ito sa kanyang bahay. So alam na ang maitim na balak ni talent manager? Hay naku!, kase naman….ke pogi pogi naman kase ni young actor talaga! At si baklitang talent manager naman…..e naku! ewan! Hmmm may itsura naman, masagwa nga lang! Hahahaha


***


KUNG dati tago at may middleman (bugaw) pa kung mamik-up ng lalaki ang singer/actor na madalas nating napanonood sa mga teleserye, nag-level up na siya ngayon bilang solo flight kapag kinate ang hitad. Without body guard huh? Unlike before na may popronta munang P.A. O kunwari, e, magpapakilalang pamangkin niya sa tuwing may matitipuhan itong kelot, at kapag nakuha sa mabilis na usapan at game rin ang guy na natipuhan ni singer/actor, e, presto at ite-take home na ito.


Kuwento pa nga ng dating P.A. cum pamangkin/driver/alalay, may mga time pa noon na join force sila ni singer actor sa pakikipagkimbuhan sa mga napi-pick up nilang mhin for hire huh?! Dangan nga lamang at for some reason, e, nilayasan na niya si singer/actor. Kaya nga nung minsang natyempuhan namin sa kahabaan ng Ortigas Ave. ext. going to Cainta, Rizal si singer/actor na dahan-dahang bumabaybay habang bukas ang bintana ng kanyang kotse, e, doon na namin napagtanto na lantaran na nga pala ito kung manlalake at totoo nga dahil iyong isang natipuhan niya sana na mai-take home pero tumanggi at na starstruck pa yata ng mamukhaan siya ay naulinigan pa naming nagtanong doon sa cigarette vendor kung nakita din ba daw ni manong yung nakita niyang artista sabay bigkas sa pangalan ni RJ este! ni JR Este! ni singer actor! Hahahaha!


The post May itsu naman…masagwa lang! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



May itsu naman…masagwa lang!


No comments:

Post a Comment