AGAD namatay ang 35-anyos na lalaki makaraang aksidenteng matabunan ng mga malalaking bato mula sa bulkan Mayon sa Albay.
Nabatid na kumukuha si Carlito Angeles, ng Bgy. Bogtong, Legazpi City ng gravel and sand kasama ang kanyang kapatid na si Benjamin Angeles sa Barangay Padang, ng nasabing lungsod, nang bigla na lamang mawala sa kanyang paningin ang biktima.
Inakala ni Benjamin na iniwan siya ng kasama dahil bigla na lamang itong nawala sa kanilang lokasyon.
Subalit ilang minuto ang lumipas, nang makita na lamang ang halos 15 feet na volcanic rock pile na dumagan sa katawan ni Carlito.
Dead on arrival sa ospital ang biktima makaraang magtamo ng matinding tama sa katawan.
Nakatakda sanang mag-quarry ang dalawa sa lugar nang mangyari ang insidente.
The post Kelot todas sa bato ng bulkang Mayon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment