Thursday, June 26, 2014

Kabataan instrumento ng pagbenta ng shabu

BINUBUSISI na ng mga awtoridad kung anong sidikato ang nasa likod na ginagawang kasangakapan ang menor-de-edad sa pagbebenta ng iligal na droga.


Dahil dito, tatlong menor-de-edad ang nailigtas ng mga awtoridad makaraang gamitin sa pagbebenta ng shabu sa lungsod ng Davao.


Nasagip ang mga menor-de-edad sa pinag-sanib na puwersa ng CIDG 11 at Sta. Ana Police Station.


Unang na-rescue ang walo at siyam na taong gulang sa loob mismo ng isang mall sa Ecoland, at na-recover ng pulisya ang malaking sachet ng shabu.


Habang isa namang 11-taong-gulang na bata sa Piapi Boulevard ang na-rescue at nakunan ng malaking sachet na pinaniniwalaang shabu.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Quick Response Team for Children’s Concerned ang mga kabataang na-rescue.


Samantala, pinapaalalahanan ngayon ng mga awtoridad ang mga magulang na alamin ang mga ginagawa ng kanilang mga anak para hindi mabiktima ng mga sindikatong nanamantala ng mga menor-de-edad sa paniniwalang hindi mahaharap sa anomang asunto.


The post Kabataan instrumento ng pagbenta ng shabu appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kabataan instrumento ng pagbenta ng shabu


No comments:

Post a Comment