HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Natawa naman ako sa emote ng in fairness ay may K naman sanang young character actor na ‘to. Mabuti pa raw ‘yung mga baguhan sa network na kanyang kinakokontratahan at umaatikabo ang mga TV assignments samantalang siyang naturingang isa sa mga pioneer contract artists ng nasa-bing network ay nakatengga at luhaan.
Ganuned kuya?
Well, in fairness to the network he’s presently under contract with, inasmuch as he really is a gifted actor, he’s got a most ‘nauseating’ working habits.
Kapag nai-inlove raw ang feeling daks (feeling daks lang ba mga igan? Harharharharhar!) na character actor ay nakalilimutan nito ang kanyang showbiz career at lagi na’y nakababad ang nota (nakababad daw ang nota, o! Hahahahahahahahaha!) sa kanyang mga chicks.
Dati nga sa condo na ng isang Sexbomb babe nakatira ang papable na young actor at ayaw na halos umalis roon.
Hahahahahahahahahahahahaha!
Babaran ba ng tarugito ang drama? Hakhakhakhakhak!
After that, sa ibang lugar na naman tumambaby ang appealing character actor.
Now, kuya, could you blame the people at the network you have a contract with if they are not that interested anymore to avail of your services?
Career kasi ang unahin, kuya. Kapag chicks kasi ang ginawa mong priority, bukod sa mangangalumata (mangangalumata raw talaga, o! Ilang putukan ba kasi ang kaya mo, koyang? Hahahahahahahahaha!) ka na, in the end, Lou Bonnevie pa ang drama mo dahil wala ka ng projects at out of town shows na siya lang namang pinagkakakitaan mo.
‘Yun lang!
WANSAPANATAYM PRESENTS WITCH-A-MAKULIT, MAGSISIMULA NA NGAYONG LINGGO
BAGONG kwentong pampamilya ang ibabahagi sa TV viewers ng Wansapanataym ngayong Linggo (Hunyo 15) sa pagsisimula ng pinakabagong special nito na pinamagatang Witch-A-Makulit.
Pagbibidahan ito nina Miles Ocampo, Inah Estrada, at Alyanna Angeles.
“Nakaka-excite po dahil first time ko na magkaroon ng role na mayroong superpowers,” pahayag ni Miles na gaganap bilang si Krystal, ang pangalawa sa tatlong magkakapatid na ipinanganak na may lahing mangkukulam.
“Pampamilya po talaga ang kwento nina Krystal, Jade (Inah), at Emerald (Alyanna) dahil bukod sa mga away-magkakapatid nila, siguradong marami rin po silang aral na matutunan tulad ng importansya ng pagsunod sa magulang,” ani Miles.
Para naman kay Inah, panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada, espesyal para sa kanya ang Witch-A-Makulit dahil ito ang kanyang kauna-unahang TV project.
“Sa totoo lang po, kinakabahan talaga ako sa expectations sa akin ng mga tao dahil magagaling na artista ‘yung mga magulang ko. Pero sa ngayon po, ine-enjoy ko lang ‘yung moment at nagpapasalamat na binigyan ako ng chance na makapagbigay-inspirasyon sa mga kabataan,” pahayag ni Inah.
Samantala, isa namang magandang learning experience para kay Alyanna na makasama sa isang Wansapanataym special.
“Masaya po ako na makasama sina Ate Miles at Ate Inah kasi marami po akong natututunan sa kanila,” sabi ng Kapamilya child star.
Bahagi rin ng Witch-A-Makulit sina Benjie Paras, Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, CJ Navato, Jon Lucas, Nina Dolino, at Chienna Filomeno. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at direksyon ni Lino Cayetano.
Huwag palampasin ang simula ng Wansapanataym special nina Miles, Inah, at Alyanna ngayong Linggo, 6:45pm, bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
***
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
The post Hurting dahil walang career, puro panchi-chiks ang inaatupag! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment