PINABORAN ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang planong pag-house arrest kay Senador Juan Ponce Enrile sakaling maisyuhan na ng Sandiganbayan ng arrest warrant ang mga mambabatas na sangkot sa pork barrel scam.
Sinabi ni Belmonte na sakaling hilingin ng kampo ng senador ay huwag na lamang ikulong at pagbigyan na ma-house arrest na si Enrile dahil na rin sa katandaan nito.
Makatutulong aniya ito upang makapaglakad-lakad at mabantayan ang kalusugan nito.
“Yeah, I think so. Oo, dahil as everybody ought to be treated, the same, even the law you know allows some leniency in the case of persons already of advance age like myself for instance but more so like him, and definitely I’m in favor of that,” ani Belmonte.
Sa ilalim ng batas, ang mga nahatulan na may edad 80 pataas katulad ni Enrile na may edad 90 ay hindi na ikinukulong at ikinukunsidera ang kanilang katandaan.
Maging ang mga naakusahang senador na sina Senators Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr., ay sang-ayon na sila na lang ang ikulong at huwag na si Enrile.
Sa ngayon ay inaabangan pa rin ang desisyon ng SC sa pagbuo ng special division sa Sandiganbayan para sa mabilis na pagresolba ng PDAF scam case.
The post House arrest kay JPE oks kay Belmonte appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment