USAP-USAPAN ngayon ang balitang hiwalay na diumano ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Nagsimula ang tsismis sa isang blind item tungkol sa model couple sa showbiz pero nabuking ni misis na may ibang babae ang aktor na mister.
Ayon sa blind item, may bago raw karelasyon ang guwapong actor na may mga cute na anak at ‘di pa nakuntento sa misis niya na beauty queen ang ganda ng misis. Doon nagka-clue ang marami na si Aga ang tinutukoy na aktor at ang misis niya na si Charlene Gonzales.
Agad-agad nu’ng makita namin si Manay Ethel Ramos, ang butihing manager ni Aga, tinanong namin siya regarding this issue. As usual, kaswal na kaswal lang ang tinaguriang dean of Philippine entertainment press sa pagsagot sa amin. She seemed very unaffected and we thought dededmahin lang niya ang tanong namin.
Ganyan si Manay kapag knows niya na hindi true ang tsika sa kanyang talent. For her unbelievable ang kumakalat na tsismis kay Aga at Charlene kasi nga she will be the first person to know kapag may nangyayari sa Muhlach household.
“Kase-celebrate lang nila ng anniversary,” nakangiting sabi ni Manay Ethel.
Dugtong pa ni Manay Ethel, sobrang napakabata pa raw ng babaeng sinasabi na karelasyon daw ni Aga. Halos kasing-edad lang daw ng anak ni Aga na si Atasha kaya sobrang unbelievable raw ng isyu sa alaga niya.
So, there.
-ooOoo-
HINDI na napigilan ni Dina Bonnevie na ibulalas ang paghanga niya sa co-star at bida ng bagong teleserye na “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” ng ABS-CBN na si Bea Alonzo. Inamin niya sa grand presscon ng “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” na solid fan siya ni Bea.
From Bea’s first teleserye with John Lloyd Cruz and Lorna Tolentino na “Kay Tagal Kang Hinintay” hanggang sa last movie ng aktres na “She’s The One,” lahat daw ‘yan pinanood ni Dina.
Sinabi rin daw ito ni Dina kay Bea. Kaya naman si Bea halos mahulog sa kanyag kinauupuan nu’ng marinig ang mga papuri sa kanya ni Dina sa grand presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
Incidentally, magsisimula nang mapanood ang “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” ngayong Hunyo kapalit ng The Legal Wife. Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay hatid sa mga manonood ng Dreamscape Entertainment Television na siya ring lumikha ng phenomenal drama series na Walang Hanggan, ang hit family-serye na Ina, Kapatid, Anak at ng kasalukuyang top-rating sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.
Bukod kay Dina, kabilang din sa supporting cast sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay ang mga multi-awarded actors na sina Eddie Garcia, Albert Martinez, Tonton Gutierrez, Anita Linda and Susan Roces. Sina Trina Dayrit at Jerome Pobocan naman ang mga direktor nang inaabangang teleserye.
The post Hiwalayan isyu ng mga alaga, deadma lang ang manager appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment