UMISKOR ng 30 puntos si import Z Mason kasama ang 18 rebounds at 12-of-13 sa free throw line upang tunggain ng Barangay Ginebra Gin Kings ang San Miguel Beermen, 105-98 kagabi sa nagaganap na PLDT Home TelPad PBA Governors Cup sa PhilSports Arena.
Halos malusaw ang 21-point lead na naipon ng crowd favorite Barangay Ginebra pagkatapos ng tatlo’t kalahating canto subalit kinapos ang Beermen kaya naman naitakas ng una ang kanilang pang-limang panalo sa pitong laro.
Tumulong sa opensa si Greg “Gregzilla” Slaughter ng 19 markers at 11 rebounds habang may ambag na 16 at 15 pts. ang point guard na si LA Tenorio at forward Japeth Aguilar para
sa Ginebra.
Kasalo ng Gin Kings ang sa unahan ang defending champions San Mig Super Coffee Mixers at Talk ‘N Text Tropang Texters habang magkasosyo naman sa fourth to fifth placer ang Rain or Shine Elasto Painters at Air21 Express na kinaldag sa unang sultada ang kulelat na GlobalPort Batang Pier, 106-102.
Mula sa 86-65 bentahe ng Gin Kings, naibaba ng beermen ang hinahabol sa apat na puntos, 99-95 wala ng pitong minuto sa fourth canto.
May pagkakataon pa sanang mailapit pa ng Beermen ang iskor matapos mag mintis sa dalawang free throws si Gin Kings Chris Ellis subalit nakuha naman ni Tenorio ang rebound at sinalpak ang dalawang libreng tira matapos siyang i foul ng kalaban nila may 29.8 segundo na lang sa payoff period.
Si import Reginald Williams ang kumamada para sa Beermen matapos maglista ng 37 puntos walong rebounds at tig limang steals at blocks habang sa local ay namuno si 6-foot-10 center JunMar “The Cracken” Fajardo nang magtala ito ng 23 pts., 14 boards at tatlong blocks.
The post Gin Kings nakalusot sa Beermen appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment