KINAPOS ng isang panalo ang Emilio Aguinaldo College Generals nakaraang taon para sa Final Four kaya naman kompiyansa ang mga ito na makakapasok sila ngayong 90th NCAA basketball tournament na magbubukas sa darating na Hunyo 28 sa MOA Arena sa Pasay City.
Nandyan pa rin ang veternas ng Generals kung saan ay maglalaro pa rin sina Cameroonian big man Noube Happi, Jan Jamon, Igee King, John Tayongtong, Jack Arquero at Sidney Onwubere.
Pumang-lima nakaraang season ang EAC, ang kanilang best finish simula ng sumali sila limang taon ng nakalilipas sa nasabing pinakamatandang liga sa collegiate league.
May 10 panalo sa 18 laro ang EAC kaya kinapos ng bahagya para sumampa sa last four kaya naman ito ang magiging sandalan ni coach Gerald Esplana para makamit ang inaasam na top 4.
“Nagkaroon ng kumpiyansa ang mga bata sa experience namin last year kasi naisip nila na kaya naman pala,” wika ng dating PBA player Esplana.
Sabi ni Esplana na malaki ang posibilidad na makatuntong sa semifinals kaya dapat ay doblehin pa nila ang ipinakitang tikas nakaraang season para matupad ang pangarap.
“Syempre, mas kailangang doblehin pa namin ang effort kasi lumakas din naman ang ibang team,” dagdag pa ni Esplana.
Umaasa ang Generals na tutulong ng malaki ang kanilang rookies na sina Ariel Aguilar ng Valenzuela, Manel Quilanita ng Laguna, John Santos and Jerald Serrano ng Pampanga at Jozhua General ng University of the Philippines Intergrated School.
Ayon kay Esplana ang San Beda College Red Lions pa rin ang team to beat matapos sungkitin ang apat na sunod na kampeonato at pito sa walong season.
“I know everyone will agree with me if I say San Beda is still the team to beat,” ani Esplana. “For us to have a good season, we need to find a way to beat San Beda or at least show them we can compete against them.”
“Kelangan talaga mag-step up si Cedric (Happi) pero ang pinakasusi, team effort and tulungan dahil ang basketball naman pinapapanalo sa pamamagitan ng teamwork,” sabi pa ni Esplana.
Sa unang sultada sa ganap na ala-una ng hapon pagkatapos ng opening ceremony maghaharap ang five-peat seeking San Beda at host school Jose Rizal University Heavy Bombers at sa pangalawang laro magtatagpo ang last year’s runner up Letran Knights kontra San Sebastian College Stags.
The post Generals puntirya ang Top 4 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment