Thursday, June 5, 2014

Enjoy sa isa’t isa kaya posibleng ma-develop!

MASAYA si Tom na siya ang napiling mag-interpret ng kantang Langit Ay Umaawit na isa sa mga entries sa Philpop Music Festival at isinulat ng composer na si Toto Sorioso.


“I’m excited na marinig ng lahat ‘yong song,” aniya. “Isang napaka-uplifting at napakasarap pakinggan para sa puso. Happy na ako na maging interpreter ng song na ito. And hindi ko ramdam ‘yong makikipag-compete ako sa Philpop Music Festival.


“Kasi ‘yong mga kasama ko, mga professionals na, mga hinahangaan ko talaga. Kaya ako, ini-enjoy ko lang ‘yong experience. I’ll try to do my very best and njoy being with the best of the best talaga. Sana may matutunan ako sa kanila. Sana may mahugot akong inspirasyon sa kanila.”


Naghahanda na rin daw si Tom para kanyang pagrampa sa inaabangang annual Bench fashion show.


“Nawala ako sa focus lang these past few months. Kaya kailangang ibalik ko ‘yong pagkagaling ko sa New York, e, siguradong ratrat na naman ako sa gym para maibalik ‘yong kondisyon ng katawan ko.


“Pinaghahandaan ko talaga. Makikita nila. Promise ko ‘yon!” nangiting pang sabi ng aktor.


Naunang nagkasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa primetime series na My Husband’s Lover. Kasunod nito ay naging magkapareha rin sila sa pelikulang So It’s You na kapapalabas pa lang.


Ngayon naman, magtatambal ulit sila sa My Destiny, ang pinakabagong soap ng GMA 7.


“Excited na excited ako. I’m so happy and excited to be working with Carla again. Kasi halos isang taon na kaming nagkakatrabaho.


“Kaya, at least sanay na sanay na kami sa isa’t isa. Komportable na kami.


“May na-established na kaming chemistry at saka rapport sa isa’t isa. Excited kami na laging may naibabahagi sa mga manonood.


“No’ng nalaman ko na kami ulit ni Carla ang magkapareha sa isang bagong soap, natuwa ako. Kagaya nga ng nasabi ko, halos isang taon na kaming nagkakatrabaho. Mula sa My Husband’s Lover, tapos sa U.S. tour naming, at sa ginawa naming pelikulang So It’s You.


“Kaya may na-established na kaming parang ano, friendship. Mas madali na for u to work with each other. Hindi na naming kailangang kilalanin pa ang isa’t isa kaya puwedeng diretso trabaho na kami kaagad. Wala nang adjustment period. Kaya pabor sa amin ‘yon.


“At saka sobrang sayang katrabaho si Carla. One of the best people I’ve ever worked with.”


May pressure pa rin ba ang muling pagtatambal nila ngayon sa bagong soap na My Destiny?


“Hindi mawawala ‘yon. And ‘yong ginagawa ko naman, just like with every project, e, tinitingnan ko ‘yong materyal. And I really try to immerse myself do’n sa materyal, doon sa role. At doon ako nagpu-focus. At syempre, kapag nalaman ko na ang buong detalye ng kuwento, gusto kong paghandaan din. Kaya sana magkaroon ng sapat na oras. Mag-i-start na kami kaagad, e.


“E, may mga out of the country akong gagawin. Pupunta ako sa New York. Kaya sana makita ko agad ‘yong script para makapag-reasearch.”


Bukod sa kanyang trip to New York, sa July ay sa London naman siya pupunta kasama si Dennis Trillo.


“Ang sarap ng feeling. First time ko na makaka-travel sa Europe. ‘Yong sa New York, pangalawa ko na. Dahil sa GMA, nakakapag-travel ako. Nakapupunta ako ng iba’t ibang lugar. Minsan nakikita ko pa ‘yong pamilya ko sa States kaya, ang sarap!”


Dahil sa ilang beses na nilang pagtatambal, hindi itinatanggi ni Tom na may nabuo nang closeness sa pagitan nila ni Carla. And since pareho ilang single, may posibilidad kayang ma-develop din sila sa isa’t isa gaya ng ibang madalas ring nagiging magkapareha?


“Meron naman,” nangiting sagot ni Tom. “Lahat naman ng bagay, may posibilidad.”


The post Enjoy sa isa’t isa kaya posibleng ma-develop! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Enjoy sa isa’t isa kaya posibleng ma-develop!


No comments:

Post a Comment