NITONG nakaraang Sunday, nagsalita na rin sa The Buzz ang panganay na anak ni Marjorie Barretto (sa dating aktor na si Kier Legaspi) na si Daniella para liwanagin ang isyu sa pagitan ng kanyang auntie Claudine (Barretto).
Diumano, ayon sa a report, nagalit si Claudine sa mga negative tweets na pinaniniwalaan nitong galing sa anak ni Marjorie, isa sa mga Baretto sisters na kaaway ng aktres.
Paliwanag ni Dani (palayaw ni Daniella) na kailangan nitong magsalita sa TV para idepensa ang sarili.
“Because it’s too much already.” She came out on TV a few days ago, saying that, “she said on her interview that my tweets are suddenly about her, that I’m bashing her on Twitter, saying bad things about her,” aniya.
Pahayag pa ni Dani, minsan lamang daw siyang nag-tweet noon para idepensa ang kanyang mommy Marj na lagi pa ring pinapasaringan ni Claudine sa social media.
“I have no idea where that came from. When she was interviewed during Mother’s Day, you interviewed her on Mother’s Day, I saw my mom cry, Dun ako, alam mo ‘yun, anak ka, eh, i-de-defend mo ‘yung nanay mo. I did tweet something that day but I realized that I shouldn’t, so I erased it right away but she saw it.”
Pahayag ni Dani, pagkatapos raw ng interbyu ni Claudine (sa The Buzz) noong nakaraang Linggo, nakatanggap siya ng mga hate posts sa kanyang social media accounts. Klinaro ni Dani na hindi naman daw nito layuning saktan ang kanyang tita Clau.
“Actually after her interview haters were non-stop. Ang below the belt. Wala kang modo. Mukha kang kabayo. Panget ka. So nagtweet ko. And she said na pinalaki niya kami, she said wala raw akong utang na loob. And dun na-offend ako for my mom because my mom never left. She was always here. Sinabi ko walang ibang nagpalaki sa amin kundi mommy ko. Dun siya nagalit. Then she tweeted. I did not mean to offend her.”
The post Daniella Barretto nagsalita na.. appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment