UMARANGKADA ng 742 points sa Speed Cards event si Pinoy GMM Mark Anthony Castañeda upang sungkitin ang titulo sa katatapos na 1st Avesco-Philippine International Open Memory Championships na ginanap sa Eurotel Hotel sa North Edsa, Quezon City.
Nagtala ng 5,519 pts. si first Pinoy GMM Castañeda matapos ang 10 memory sports disciplines upang ungusan ang kapwa Pinoy GMM na si Erwin Balines.
“Kung hindi ko makuha oks lang kasi Pinoy pa rin ang mananalo, pero mas masaya ako now kasi ako ang nakakuha ng gold medal,” masayang sabi ni Castañeda na nabura nito ang kanyang personal record na 1:10 minuto matapos kabisaduhin ang huling discipline sa loob lamang ng 37 segundo.
Kinalawit ni Balines ang silver medal matapos ilista ang 5,249 pts. habang si GMM Saikhanbayar Tsogbadrakh ng Mongolia ang nag-uwi ng bronze medal sa iskor na 4,780 pts.
Bago ang huling event, hawak ni Balines ang liderato (4,813 pts.) 36 puntos ang abante nito kay Castañeda (4,777) subalit umiskor lang ng 436 ang una kaya naabutan ito.
Kumana naman ng world record si Tsogbadrakh ng kabisaduhin nito ang 1,408 digits sa 30 minute number discipline.
Sa junior division, nag reyna si Pinay memory athlete Jamyla Lambunao.
Nakopo ni Lambunao ang gold medal nang tipahin nito ang 3,609 pts matapos ang 10 disciplines.
Binasag bin ni Lambunao ang kanyang world record ng memoryahin nito ang perfect 161 Random Words. sa event na inorganisa ng Philippine Mind Sport s Association Inc. sa pangunguna ni Roberto Racasa, ang Father of Philippine Memory Sports.
Parehong male Mongolians ang nag-uwi ng silver at bronze medal sa junior division.
Tumarak si Erdenebatkhaan Enkhmunkh ng 3,498 puntos para kanain ang silver habang si Tumur Enkhjin at bumira ng 2,871 pts. para isukbit ng bronze.
Samantala, umiskor ng 1,381 pts. si Pinoy Richard Stephen Sarcos para hablutin ang bronze sa kids division.
Sina Dzakiendra Muhammad at Aisha Nadine Sharikha ang nag-uwi ng gold at silver medal matapos tumikada ng 1,990 pts. at 1,412 pts. ayon sa pagkakasunod.
The post Castañeda hari sa Open Memory Championships appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment