Tuesday, June 3, 2014

Bangkok pills nakamamatay – FDA

MAHIGPIT ang babala ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbebenta at paggamit ng Bangkok Pills, na maaaring makasama sa kalusugan ng mga taong gagamit nito at maaari ring magresulta ng kamatayan.


Batay sa Advisory No. 2014-042, na ipinalabas ni FDA head Kenneth Hartigan-Go, nabatid na na-monitor ng FDA ang website na olx.com na may links na http://ift.tt/S6QafB at http://ift.tt/1nNkgna at natuklasan na ginagamit ito para sa advertisement, promosyon, at pagbebenta ng Bangkok Pills na ginagamit na pampayat.


Nakasaad sa promosyon ng naturang pills na ito ang pinakamabilis at pinaka-epektibong paraan upang mabawasan ang timbang ng isang tao at ginagamit ito ng celebrities at mga model sa SouthEast Asia.


Sinu-supress umano ng produkto ang appetite, sinusunog ang taba at nililinis ang katawan mula sa toxins.


Nagiging mauuhawin din anila ang gumagamit nito kaya’t kakailanganing uminom ng maraming tubig.


Sa loob din lamang umano ng isang buwan ay maaaring makabawas ng mula 15 hanggang 20 lbs. ang taong gagamit nito.


Ginagarantiyahan rin nito na ligtas ang Bangkok pills, walang ephedrine, fen phen, at metamphetamines at 100 porsyentong drug free at maaaring inumin at makapasa sa anumang drug test o medical exam.


Gayunman, nilinaw ng FDA na ang Bangkok Pills ay hindi rehistrado sa kanilang tanggapan.


Iginiit din ng FDA na ang Bangkok Pills ay una nang natuklasang nagtataglay ng Ephedrine, Bisacodyl, Furosemide, Phentermine at Fenfluramine, na pawang drug substances na may panganib na hatid sa mga consumers.


Kung pagsasama-samahin umano ang mga naturang drug substances ay maaaring maging sanhi ng halusinasyon, paranoia, insomnia, respiratory problems, hypertension, at pag-develop ng heart valve abnormalities, kidney failure at maaari rin umanong makamatay.


Pinayuhan naman ng FDA ang sinumang may reklamo o report hinggil sa mga hindi rehistradong health products o nakaranas ng adverse reactions mula sa paggamit ng mga ito ay maaaring mag-email sa info@fda.gov.ph at sa report@fda.gov.ph.


The post Bangkok pills nakamamatay – FDA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkok pills nakamamatay – FDA


No comments:

Post a Comment