Wednesday, June 11, 2014

Bagyong Ester, lalabas na ng bansa

MATAPOS magbagsak ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas kabilang ang Metro Manila, lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong hapon ang bagyong si Ester.


Sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 330 kilometro sa hilagang-silangan ng Basco, Batanes.


Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.


Kumikilos ito nang pahilagang silangan o palayo ng ating bansa sa bilis na 20 kilometro kada oras.


Sa ngayon, tinanggal na ang mga storm signals, habang hanging habagat na lamang ang naghahatid ngayon ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.


Kabilang sa mga uulanin ngayong araw ay ang Batanes, Calayan, Babuyan group of islands, Ilocos provinces, Cordillera, Central Luzon at Metro Manila.


The post Bagyong Ester, lalabas na ng bansa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Ester, lalabas na ng bansa


No comments:

Post a Comment