Friday, June 27, 2014

Bagong mapa ng China, inisnab ng Malacañang

PATAY-MALISYA lang sa Malakanyang kahit kumalat pa sa iba’t ibang pamilihan ang bagong lathalang 10-dash line map ng China.


Para kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kahit pa ilang bagong mapa ang ipakalat at ibenta ng China ay hindi naman ito kikilalanin sa international community dahil alam naman ng lahat na ang 10-dash line na ipinagmamalaki at inangkin ng China ay bahagi ng pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS) at may bahagi ng teritoryo ng Malaysia, Brunei at Vietnam.


“Even if China adds another dash to its 10-dash line, it does not make its claim any stronger. The map is self-serving and the international community does not recognize its claim,” ayon Sec. Lacierda na kulang na lang ay sabihin na magmumukhang “tanga” lang ang China sa gagawin nilang ito.


Ang 10-dash line ay dating nine-dash map na nagpapakita ng siyam na guhit o dotted lines paikot sa West Philippine Sea. Halos buong bahagi ng naturang karagatan ang inaangkin ng China sa naturang mapa.


Nauna rito, tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na haharangin nila ang pagpasok sa mga pamilihan sa bansa ng bagong lathalang “10-dash line” map ng China.


Sa bagong labas na mapa ng China, makikita kung paano nitong sinasakop ang mga pinag-aagawang teritoryo kabilang ang West Philippine Sea.


Ayon kay DFA Assistant Secretary Charles Jose, makikipag-ugnayan sila sa iba pang mga ahensya ng gobyerno para hindi makapasok o kumalat sa bansa ang mga naturang mapa.


Giit ng DFA, ang laman ng mapa ng isang bansa ay dapat nakabatay sa international law at hindi basta-basta maaaring imbentuhin.


Binatikos ng pamahalaang Pilipinas ang naturang mapa na umano’y nagpapaigting lalo ng tensyon sa rehiyon bunsod ng mga pinag-aagawang teritoryo.


Bukod sa teritoryo ng Pilipinas, sumasakop din ang naturang “10-dash line” map ng China sa mga teritoryo ng Malaysia, Brunei at Vietnam.


The post Bagong mapa ng China, inisnab ng Malacañang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong mapa ng China, inisnab ng Malacañang


No comments:

Post a Comment