HINILING ngayon ng Automated Election System Watch (AES Watch) ang paggamit ng bagong Precent Count Optical Scan (PCOS) sa 2016 Elections.
Iginiit ngayon ng Election watchdogs sa Commission on Elections (Comelec) na huwag nang gamitin ang PCOS machines ng Smartmatic at gumamit na lang ng bagong makina sa 2016 polls.
Ayon kay Automated Election System Watch (AES Watch) spokesperson Nelson Celis at Transparent Elections.Org’s Maricor Akol bigo ang Smartmatic na tumugon sa poll automation law.
Hindi natugunan ng nasabing kompanya ang source code review, digital signatures, voters validation paper, audit trail, at electronic transmission.
Dahil dito, hinihiling ni Celis na huwag nang tangkilikin ang PCOS machines ng Smartmatic at gumamit na lamang ng bago at mas magandang machine na mapapanatili ang smooth electronic transmission ng election results.
Dagdag nila, kailangan umanong magdesisyon ang poll body na isantabi na ang paggamit ng PCOS machines at ikonsidera ang combination ng manual at automated voting.
The post AES sa 2016 polls humiling ng bagong PCOS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment