Tuesday, June 10, 2014

3 senador, VP Binay ‘di kinatatakutan ng Malakanyang

HINDI natatakot ang Malakanyang kung magsanib-puwersa man ang tatlong senador na sangkot sa pork scam at si Vice-President Jejomar Binay laban sa aquino administration.


Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., buo ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang anomang uri ng pagkilos nina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla, Jr., isama pa si Binay laban sa gobyerno.


“Hindi po natitinag ang determinasyon at commitment ng ating Pangulo na tuparin ang kanyang ipinangako sa mga mamamayan na bahagi ng kanyang social contract with the Filipino people, at ito po’y masiglang ipinapatupad ng ating administrasyon, bunsod na rin ng malawak at malalim na pagtitiwala ng mga mamamayang Pilipino,” ani Sec. Coloma.


Bukod dito, hindi naman nababahala ang Malakanyang kung pilit na nagpapa-underdog ang tatlong senadorsa isyu matapos na maghain ng mosyon sa Sandiganbayan na pini-preempt ang desisyon nito.


Kapansin-pansin aniya na simula nang ipahayag ng Tanggapan ng Ombudsman ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan ay lumalakas na muli ang tinig ng mga mamamayan na nagpapahayag ng mariing pagtuligsa at paglaban ng mga ito sa mga puwersang nagsamantala sa maling paggamit ng pondo ng bayan.


Kaya nga, umaasa ang gobyerno na ang malakas na tinig ng mga mamamayan ay maririnig at ito ang pinaka-epektibong panlaban sa panlilinlang at sa paghahasik ng kasinungalingan.


Matalino at mapagnilay na ang sambayanang Filipino kung saan ay alam na ng mga ito kung siola ay pinapaikot na lamang ng mga sangkot sa pork scam.


“People are intelligent and discerning to be able to separate the chaff from the grain and to be able to separate truth from lies,” aniya pa rin.


The post 3 senador, VP Binay ‘di kinatatakutan ng Malakanyang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 senador, VP Binay ‘di kinatatakutan ng Malakanyang


No comments:

Post a Comment