WALA na raw pag-ibig sa isa’t isa sina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho. Friends na lamang daw ang dalawa ayon sa mga bali-balita pero marami pa rin ang nagtataas ng kilay at ‘di makapaniwala. Kung hiwalay na raw sila, bakit palagi silang magkasama sa lahat ng mga lakaran lalo na sa abroad? Ang dalas-dalas nilang bumiyahe. Nito lang nakaraang Hulyo 2013, bumiyahe sila sa Singapore, Malaysia, Indonesia, India, Arizona, Los Angeles, at inabot ng February 2014.
Hindi pamamasyal ang ipinunta nila sa ibang bansa. Parte raw ‘yun sa kanyang pagiging Christian Evangelist. Yes, Samantha, member si Hayden Kho ng Christ Commission Fellowship na umiikot sa iba’t ibang panig ng mundo para sa mga speaking enggagement.
Malaki na ang ipinagbago ni Hayden mula nang iwanan siya ng kanyang mga kaibigan dahil sa sex video scandal na ginawa niya at ang pagkatanggal ng kanyang lisensya sa pagka-doktor. Lahat iyon ay kanyang pinagsisisihan na. 34 years old na si Hayden nitong nakaraang Mayo 20 at ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa Ballroom ng Marco Polo Hotel, Ortigas Ave., Pasig with 400 hundred guest kasama na ang mga showbiz celebrities, society editors at mga kasamahan niya sa Christ Commission Fellowship.
If ever na may alok daw kay Hayden sa pelikula, tatanggapin pa rin niya pati ang pagmomodelo. I wonder kung magpapaseksi siya in underwear sa kanyang pagrampa.
Isa na kami sa natutuwa sa malaking pagbabago ni Hayden Kho. Meron pang katanungan sa kanya kung siya ba’y celebate na. Iyan ang hindi namin masasagot.
Hahahaha!
Ciao Bambino!
The post Wala na raw relasyon pero laging magkasama! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment