Thursday, May 29, 2014

Tserman pa sa Batangas, todas sa ambush

ISA pang barangay chairman ang pinatay ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa lalawigan ng Batangas nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 28.


Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay habang ginagamot sa pagamutan ang biktimang si Evelito Veloso, 44, tserman ng Barangay Talado East sa bayan ng Mabini.


Blangko pa ang awtoridad sa kung sino ang nasa likod ng pag-atake pero isa sa sinisilip na motibo sa pagpatay ay may kaugnayan pa rin sa huling barangay elections.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:50 p.m. sa may M. Tandom St., ilang metro lamang ang layo sa munisipyo.


Bago ito, galing sa piyesta ang biktima at naglalakad pauwi kasabay ang isa pang kapitan ng barangay at konsehal nang tambangan ng mga suspek pagsapit sa nasabing kalsada.


Tumakas naman agad ang mga suspek nang makitang naghihingalo na ang biktima.


Nito lamang nakaraang Martes, pinagbabaril din sa loob mismo ng kanyang bahay ang tserman ng Barangay ng Puting Bato sa West Calaca, Batangas.


The post Tserman pa sa Batangas, todas sa ambush appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tserman pa sa Batangas, todas sa ambush


No comments:

Post a Comment