HINDI pa nagawang makausad sa NBA Finals sa ika-apat na sunod na taon ng Miami Heat matapos talunin sa makapigil-hiningang laban ng Indiana Pacers, 93-90.
Nagtala si Paul George ng 37 puntos kung saan ang 31 ay mula sa 2nd half at nananatiling buhay sa serye ng Eastern Conference finals sa pangunguna ng Miami, 3-2.
Matinding effort ang ibinigay ni George sa laro upang makahirit pa ng Game 6 at magkaroon pa ng tiyansa na makalaban ang Heat sa do-or-die game.
Umiskor lamang ng pitong puntos si 2-time Finals MVP LeBron James sa 23 minutong paglalaro nito dahil sa maagang foul trouble.
Nanguna para sa Heat si Chris Bosh na may 20 puntos na nagmintis sa pampanalong tres 12 segundo ang nalalabi sa laro.
Kumana si Paul George ng limang 3-pointers kung saan apat dito ay mula sa 2nd half ngunit hindi lumayo ang iskor dahil sa mga ganting tres ng Heat.
Tinapos ni George ang ikatlong canto ng kanyang buzzer beater na tres, 64-57.
Umabot sa 11 puntos ang lamang ng Indiana nang maka-steal at maka-dunk si George, 77-66.
Ngunit sa kabila ng kanilang kalamangan may 23 segundo na lamang ang nalalabi, 91-87, ay nagawa pa ring makadikit ng Heat nang mabukalkal ni LeBron James si George Hill at naipasok ni Rashard Lewis ang pamatay na tres, 91-90, 16 segundo ang nalalabi.
Nag-split si David West sa kanyang dalawang free throw, 12 segundo ang nalalabi, 92-90.
Pinasa ni James kay Bosh ang bola ngunit hindi nito naipasok ang pampanalo sanang tres at napunta na sa Pacers ang bola isang segundo ang natitira.
Gaganapin ang game 6 sa Sabado sa Miami.
“We just played. Our backs are against the wall right now so that’s all we can do,” wika ni Paul George. “We were in a position that if we lost this game, we’re going home so I think that was in the backs of everybody’s minds.”
Nag-ambag din sa pagkapanalo ng Pacers sina West na may 19 puntos; big man Roy Hibbert, 10 puntos; Lance Stephenson, 12 puntos; at George Hill na may 9 puntos.
Kumana naman para sa Heat ng tig-18 puntos sina Dwayne Wade at Rashard Lewis.
Samantala, tabla naman ang serye sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at San Antonio Spurs, 2-2.
Gaganapin bukas sa AT&T Center sa San Antonio ang Game 5.
The post Paul George muling ibinangon ang Pacers, 3-2 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment