NAMAHAGI si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ng mga bag na na may kasamang school supplies sa mga grade 1 students sa lungsod upang makatulong sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 2.
Ayon kay Mayor Malapitan, makatutulong ang mga gamit pang-eskwela na mahikayat ang mga estudyanteng pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
“Isang magandang oportunidad po ito para sa pamahalaang lungsod na makapagbigay ng mga bag at school supplies sa may 30,000 na mag-aaral ng Grade 1 mula sa 59 public elementary school sa siyudad,” ani Mayor Malapitan.
“Sa pamamagitan po ng isang bagong bag na puno ng kanilang pangangailangan sa eskwela, matutulungan natin ang isang bata na magkaroon ng higit na oportunidad para matuto ng mga bagay na natututunan lamang sa paaralan,” dagdag niya.
Simula nang manungkulan ang alkalde, naging bahagi na ng kanyang polisiyang Tao ang Una ang mamigay ng libreng kagamitang pampaaralan bilang tulong sa mga maralitang magulang, katuwang ang Department of Education-Caloocan.
Sa parte naman ng DepEd-Caloocan, tumutulong ito sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagmo-monitor sa distribusyon ng mga school material sa mga public school, gayundin ang episyenteng implementasyon ng programa.
The post Bag at school supplies ipinamahagi ni Mayor Oca appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment