Thursday, May 29, 2014

Buhay pa rin ang ChaCha sa Kamara

IPINAHAYAG ng majority bloc sa Kamara na buhay pa ang isyu kaugnay sa Charter Change (ChaCha).


Ayon kay Marikina City Rep. Miro Quimbo, hindi sapat ang mga argumento nina Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares na walang pondo at walang panahon para sa ChaCha kaya dapat ideklarang patay na ang inisyatibong amiyendahan ang Saligang Batas.


Sinabi ni Quimbo, chairman ng House ways and means committee, na hindi pondo at hindi rin panahon ang malaking hamon sa tagumpay ng ChaCha.


Ito ay walang iba kundi ang posisyon ng Pangulong Benigno Aquino III sa ChaCha dahil mahirap magtagumpay ito kung hindi susuporta ang punong ehekutibo.


Kung pondo ang problema, pwede aniyang maglaan ng supplemental budget ngayong taon para sa plebisito ng Chacha o kaya naman ay isama sa 2015 budget ang alokasyon dito.


Hindi rin umano nila inaalala sa gitna ng pagsusulong nito ang paparating na 2016 election dahil nagawa na nila sa RH Law noon na panindigan sa isang kontrobersyal na panukalang batas.


Sa ilalim ng Resolution of Both Houses No. 1 ni House Speaker Feliciano Belmonte ay ipinasisingit lamang sa economic provisions ang salitang “unless otherwise provided by law” para madaling alisin ng Kongreso ang economic restrictions sa hinaharap.


The post Buhay pa rin ang ChaCha sa Kamara appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Buhay pa rin ang ChaCha sa Kamara


No comments:

Post a Comment