ISINUSULONG ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang paglalagay ng closed circuit television (CCTV) camera sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, kabilang ito sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng halos 500,000 estudyante sa elementarya at high school sa mga pampublikong paaralan.
Habang hindi pa naikakabit ang mga CCTV camera, tiniyak nito na magtutulungan naman ang mga pulis at barangay tanod sa pagpapatupad ng kaayusan sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
Bukod sa seguridad sa paaralan, tututukan din ng lokal na pamahalaan ang mga school bus at regulasyon ng mga tricycle na nagsasakay ng sobrang daming estudyante.
Kaugnay nito, dahil sa naidagdag na 88 silid-paaralan ng lokal na pamahalaan mula 2011 hanggang 2013, naabot na ng mga pampublikong paaralan sa siyudad ang one-is-to-50 na teacher-student ratio sa bawat klase.
Tinatapos na rin ang dalawa pang school buildings sa Barangay Payatas at Batasan Hills na sinasabing may pinakamalaking populasyon ng estudyante sa lungsod.
The post QC public schools, lalatagan ng CCTV camera appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment