NAGNEGATIBO sa MERS-CoV ang isang overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa Saudi Arabia.
Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng nasawing OFW na tubong Bacarra, Ilocos Norte sa Saudi Arabia, subalit nakahinga na rin sila ng maluwag matapos lumabas na ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ni Charles Ilarder, 41.
Ayon kay Rey Ilarde, kapatid ng biktima, ipinaalam sa kanila ng isang kaibigan ng kanyang kapatid sa Saudi na lumabas sa awtopsiya na hindi MERS-CoV ang ikinamatay ng biktima kundi atake sa puso.
Inamin niya na noong una ay sobra silang nag-alala dahil maaring hindi pahintulutan ang pag-uuwi sa bangkay kung ang naturang virus ang sanhi ng kanyang kamatayan.
Ngayon, ay nabigyan sila ng pag-asa na kahit bangkay na ang kanyang kapatid ay makikita pa nila sa huling pagkakataon.
Sinabi pa nito na ipinaalam din ng kaibigan ng kanyang kapatid na inaasikaso na ang mga kakailanganing papeles sa Saudi upang maiuwi na ang bangkay ng biktima.
The post OFW sa KSA, hindi MERS ang ikinamatay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment