Thursday, May 29, 2014

P.50 dagdag-pasahe, kasado na

INAPRUBAHAN na kaninang umaga, Mayo 30, ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P.50 increase sa minimum jeep fares, simula Hunyo.


Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na may nakita naman siyang basehan kaya niya inaprubahan ito.


Kaya simula aniya sa Hunyo 14, ang minimum jeep fare sa Metro Manila at Central at Southern Luzon ay P8.50 na.


Sa isang press conference, sinabi ni Ginez na ikinonsidera nila ang nasabing hakbang hindi para sa kapakapanan ng PUJ operators at drivers kundi para sa general public, lalo na ang “low-and-middle-income classes.”


Sa ilalim aniya ng kautusan, ang taas-singil ay ang sumusunod: P.50 increase sa unang apat na kilometro (km), mula sa P8 – P8.50; at P.10 increase sa susunod na km. na mula sa P1.40 – P1.50.


Isinampa aniya ang fare hike petition ng transport groups noong nakaraang Disyembre 11, 2013.


Hiningi ng grupo ang pagtaas ng pasahe mula P2 hanggang P8 at hanggang P10 sa unang apat na kilometro, at pagtaas sa P.35 para sa susunod na kilometro, na mula sa P1.40 – P1.75.


Sa kanilang petisyon, sinabi ng mga tsuper na sila ang bumabalikat sa epekto ng diesel price hikes simula nu’ng huling PUJ fare hike noong February 2011.


The post P.50 dagdag-pasahe, kasado na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P.50 dagdag-pasahe, kasado na


No comments:

Post a Comment