Thursday, May 29, 2014

Napoles naibalik na sa Fort Sto. Domingo

NAIBALIK na sa piitan sa Fort Sto. Domingo si Janet Lim-Napoles matapos ang halos dalawang buwang pananatili sa Ospital ng Makati (OsMak).


Batay sa ulat, umabot sa halos isang oras ang biyahe para makabalik si Napoles sa piitan.


Nabatid na alas-9:25 Huwebes ng gabi nang ilabas ng ospital si Napoles na naka-wheelchair at bullet-proof vest, na agad isinakay sa isang van na bahagi ng convoy ng awtoridad at dumating sila sa Fort Sto. Domingo alas-10:20 ng gabi.


Bago ito, ibinasura ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ang apela ni Napoles na mapalawig pa ang confinement sa OsMak.


Pinagbatayan ng korte ang pagbuti ng kondisyon ng akusado at paglalabas ng discharge order ng OsMak para rito.


Ayon kay Atty. Bruce Rivera, nabayaran naman ni Napoles ang hospital bills sa tulong ng mga kaanak bagama’t tumanggi na itong banggitin kung magkano.


Mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) Region 4A ang sumundo sa akusado para ihatid sa kulungan sa Sta. Rosa, Laguna.


Kailangan ding laging susuriin ang vital signs, blood sugar level at vaginal bleeding nito.


Inirekomenda pa ng mga doktor na linggo-linggo itong isailalim sa check-up.


Matatandaang Marso 31 nang dalhin si Napoles sa OsMak matapos payagan ng korte na makapagpa-opera.


The post Napoles naibalik na sa Fort Sto. Domingo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Napoles naibalik na sa Fort Sto. Domingo


No comments:

Post a Comment