Friday, May 30, 2014

Spurs pinaluhod ang Thunder

sas-vs-okc-g5


WAGI ang San Antonio Spurs kontra Oklahoma City Thunder sa Game 5 ng best-of-seven series ng Western Conference Finals sa iskor na 117-89.


Nanguna para sa Spurs si big man Tima Duncan na may 22 puntos at 12 boards na sinundan ng 19 puntos ni Manu Ginobili upang manguna sa serye, 3-2.


Nag-ambag din ng tig-14 puntos sina Kawhi Leonard at Danny Green habang may 13 puntos si Boris Diaw at 12 puntos naman kay Tony Parker upang kumatok sa NBA Finals.


Sa unang canto, lamang ang Thunder na umabot sa pitong kalamangan dahil sa layup at tres ni Kevin Durant ngunit natapos ito sa iskor na 32-all.


Sa ikalawang canto, mula sa iskor na 35-all ay hindi na muling nakalamang o nakatabla man lang ang Thunder.


Umabot sa 11 ang lamang ng Spurs, 60-49, nang ma-block ni Boris Diaw si Durant at naipasok ni Leonard ang sideline 3-pointer.


Umangat pa hanggang 13 puntos na kalamangan, 65-52, nang nakapukol ng tres si Ginobili may anim na segundo na lang ang nalalabi.


Natapos ang 1st half sa iskor na 65-55 dahil sa buzzer beater na tres ni Westbrook.


Lumobo na sa 17 puntos ang kalamangan ng Spurs sa third canto nang makakana ng tres sina Diaw at Ginobili.


Nag-umpisa naman ang payoff period sa back-to-back three ni Danny Green kung saan ang pangalawa ay kasabay ng pagkaubos ng shotclock.


“We played so much harder, sharper, smarter, everything we talked about,” wika ni Ginobili. “It was a fun-to-play and fun-to-watch game. So when we play like this it’s a completely different story.”


Gumawa ng 25 puntos para sa Thunder si MVP Kevin Durant habang may 21 puntos at pitong assists si Russell Westbrook, na nagtala ng 40 puntos at 10 assists sa Game 4.


Pinaupo na ni Coach Gregg Popovich ang kanyang mga star player may walong minuto pa sa payoff period.


May kabuuang 55 puntos para sa Spurs ang nagmula sa bench.


Anim na puntos at dalawang boards lamang ang naitala ni Serge Ibaka na may average na 12 pts. at 7.5 boards sa Game 3 at 4.


“We have to regroup and come back better in a few days,” ani Thunder coach Scott Brooks.


Gaganapin ang Game 6 sa Oklahoma City.


Samantala, kagaya ng Spurs, isang hakbang na lang patungo sa finals ang kailangan ng Miami Heat sa Eastern conference Finals.


Gaganapin ang Game 6 ng laban nila kontra Indiana Pacers bukas sa Miami.


The post Spurs pinaluhod ang Thunder appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Spurs pinaluhod ang Thunder


No comments:

Post a Comment