NAGBABALA kaninang umaga ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na kung sakaling sumabog ang dalawang aktibong bulkan sa Mindanao ay maaari itong magdala ng major devastation na ikamamatay ng marami.
Sinabi ni Phivolcs Director, Dr. Renato Solidum, kung pag-uusapan ang kalibre ng pagsabog ay maaari itong ihalintulad sa Mt. Pinatubo na anomang oras ay puwedeng sumabog.
Bagama’t may kaliitan aniya ito kumpara sa Mt. Pinatubo na mataas at malapad, ang Mt. Parker naman ay may highly-capable na magma.
Ang Mt. Parker o mas kilala na Bulkang Melibengoy ay may elevation na 1,824 meters ay matatagpuan sa bayan ng T’boli.
Habang ang elevation naman ng Mt. Matutum naman ay 2,286 meters at matatagpuan sa bayan ng Polomolok.
Tinukoy pa ng Philvocs director na ang crater-lake ng Mt. Parker ay nasa boundary ng South Cotabato at Sarangani province habang ang Mt. Matutum ay nasa tri-boundaries naman ng South Cotabato, Sarangani province at Davao del Sur.
Inihalintulad pa ng director sa pinakamalakas na pagsabog ng Mt. Pinatubo ang magiging epekto ng dalawang bulkan sakaling sabay na sumabog ang mga ito.
The post Pagsabog ng 2 bulkan sa Mindanao, binabala ng Phivolcs appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment