NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang barangay lady executive nang pasadahan ng kilabot na motorcycle-in-tandem sa Quezon City kagabi, Mayo 28.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre 45 si Vivian de Castro, barangay administrator ng Barangay Payatas A, QC.
Blangko pa ang QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa kung sino ang nasa likod ng pananambang pero tiniyak na mga hired killer ang kumana sa biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-7:25 nitong Miyerkules ng gabi sa may kanto ng Ilang Ilang Street at IBP Roadsa Barangay Sentral.
Bago ito, papunta ang biktima sa isang party sa Caloocan City at habang naghihintay ng taksi nang pagbabarilin ng isa sa mga suspek.
Nang makatiyak na masama ang lagay ng biktima at saka tumakas ang mga suspek.
Hindi naman nabanggit sa ulat kung kinuha ng mga suspek ang dalang bag ng biktima.
The post Barangay lady exec, todas sa tandem appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment