Thursday, May 29, 2014

Chinese, todas sa ambush sa Maynila

PATAY ang isang negosyanteng Chinese matapos tambangan ng di pa kilalang suspek sa bahagi ng Pablo Ocampo, Maynila, kagabi.


Nabatid na pauwi na ng bahay ang biktimang si Jayson Chua, 43, nang pagsapit sa bahaging malapit sa Harrison, pinagbabaril ito hanggang mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek.


Tinamaan ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktima.


Ayon sa barangay police na unang rumesponde, nakarinig sila ng ilang putok ng baril habang nagpapatrulya malapit sa lugar na naganap ang krimen.


Sa inisyal na imbestigasyon, minsan nang nakatanggap ng pagbabanta ang biktima na hinihinalang napatay dahil sa kanyang mga negosyo.


Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang iba pang anggulo kaugnay sa pagkakapatay sa biktima.


The post Chinese, todas sa ambush sa Maynila appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Chinese, todas sa ambush sa Maynila


No comments:

Post a Comment