IPINAHAYAG ng health officials sa Iran na nakapagtala na ng dalawang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV) sa bansa.
Ayon kay Mohammad Mehdi Gooya, director-general ng communicable diseases sa Iranian Health Ministry’s Centre for Diseases Control and Prevention, ang dalawang biktima ay magkapatid na babae at ang isa ay nasa kritikal na kalagayan.
Pinaniniwalaang nakuha ng mga biktima ang sakit matapos ang holy month ng Ramadan, nang nagtungo ang dalawang biktima sa Saudi Arabia.
Ang mga biktima ay kasalukuyang ginagamot sa Kerman, isang probinsiya sa Northern Iran.
Sa ngayon aabot na sa 175 na katao mula sa Saudi Arabia ang namatay dahil sa MERS, at ang virus ay patuloy na kumakalat sa mga karatig bansa na Malaysia, Greece, Lebanon at United States.
The post MERS-CoV kalat na rin sa Iran – health officials appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment