KINALAMPAG ni Western Samar Rep, Mel Senen Sarmiento ang Inter-Agency Committee- Tobacco (IAC-Tobacco), Philippine National Police, Metro Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan na ipatupad ang Republic Act No. 9211 o mas kilala bilang “Tobacco Regulation Act of 2003.”
Giit ng kongresista, tila wala ng nagpapatupad sa naturang batas na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
“We have so many laws that end up useless because there seems to be no real effort to enforce them and our anti-smoking law is one of them. I think that our implementing agencies should step up a more aggressive and sustained campaign to stop smoking in public places,” ani Sarmiento.
Binigyang-diin ni Sarmiento na marami na namang mga tsuper ng pampublikong sasakyan gaya ng jeep, tricycle, at bus ang naninigarilyo habang nagmamaneho kahit nakikita ng mga traffic enforcers at mga pulis.
Pinuna rin ng mambabatas ang ilang restoran sa Metro Manila, lalo na sa Pasay City at Makati City na pumapayag na ang mga kustomer ay naninigarilyo sa loob sa halip na maglagay ng hiwalay na lugar para sa mga naninigarilyo.
“It’s either they are tolerating it or are unaware that it is actually against the law to smoke inside public places. I think that we need to be more aggressive in implementing this particular law,” ayon kay Sarmiento.
Batay sa RA 9211, bawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar, sa mga paaralan lalo na ang mga kabataang wala pang 18 taong gulang, sa loob ng elevator o hagdan sa mga lugar na delikado sa init o apoy, sa mga ospital, pampublikong sasakyan at kainan.
Ipinaalala ni Sarmiento na may multang naghihintay sa mga lalabag dito ng mula P500 hanggang P10,000 at ang mga business permits at lisensya ay maaaring kanselahin.
The post Kapulisan kinalampag sa ‘no smoking areas’ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment