Thursday, May 29, 2014

P50-M halaga ng ari-arian, naabo sa palengke

SUMIPA na sa P50 milyon ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa Lucena public market nitong Miyerkules ng gabi.


Batay sa pagsisiyat ni Fire Sr. Supt. Joel Reyes, naniniwala silang ang overloaded na main switch ang sanhi ng sunog na sumiklab alas-8:00 ng gabi.


Sa halip umanong gumamit ng fuse ang end user, solid wire ang ginamit ng mga ito na naging dahilan upang mag-init ang mga ito at lumiyab.


Agad itong inakyat sa unang alarma at dahil walang tubig sa fire hydrants, lumaki pa ang apoy.


Pasado alas-9:00 ng gabi nang umabot pa sa Task Force Alpha ang sunog na aabot sa 20 firetruck ang rumesponde.


Hatinggabi na nang ideklarang under control ang apoy at fire out na nang umaga.


Nahirapan sa pag-apula ang mga bumbero dahil sa dami ng tao. Nagdiriwang ng kapistahan, mga perya at katatapos lamang ng mardi gras sa lugar.


Ayon sa nasa 300 stall owners, nabigo ang karamihan sa kanila ay nabigo sa pagsalba ng gamit dahil nakakandado ang kabuuan ng palengke.


Ayon naman kay Mayor Roderick Alcala, handang magbigay ng tulong-pinansyal ang pamahalaan sa mga nasunugang negosyante.


The post P50-M halaga ng ari-arian, naabo sa palengke appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P50-M halaga ng ari-arian, naabo sa palengke


No comments:

Post a Comment