Thursday, May 29, 2014

Kelot patay sa saksak sa Bukidnon

KASONG murder ang kaharapin ng isang laborer na responsable sa pagsaksak sa lalaki sa Purok 4, Barangay Kasigkot, Don Carlos, Bukidnon.


Ito’y matapos boluntaryong sumuko ang suspek na si Weynard Minguito, 25, ilang oras ang nakalipas nang kanyang nasaksak ang biktimang si Dionece Pabalate, taga-Iloilo City.


Ayon kay PO3 Roel Limocon Salingay ng Don Carlos Police Station, posibleng may bangayan ang dalawa na nagresulta sa pananaksak.


Nagtamo ang biktima ng tama sa dibdib na dahilan sa agaran niyang pagkasawi.


Kasalukuyang detinado sa himpilan ng pulisya ang nabanggit na suspek.


The post Kelot patay sa saksak sa Bukidnon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot patay sa saksak sa Bukidnon


No comments:

Post a Comment