Friday, May 30, 2014

Dagdag-pasahe, ipinagbunyi ng FEJODAP

NAGBUBUNYI ang grupong Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa pag-apruba ng LTFRB sa hinihinging fare hike sa mga pampasaherong jeepney.


Sinabi ng chairperson ng FEJODAP na si Zeny Maranan, kahit papaano ay may dagdag na kikitain ang mga driver sa gitna nang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Ayon kay Maranan, sa kanyang paniniwala at batay sa impormasyon na kanilang natatatangap, naiintindihan at wala ring masyadong reklamo ang mga mananakay sa P0.50 na dagdag-pasahe sa mga jeep.


Matatandaan na inaprubahan na ng LTFRB ang dagdag na P0.50 sa pamasahe sa jeep para sa National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4.


Ayon kay LTFRB chair Winston Ginez, mula sa dating P8 na minimum fare, ay P8.50 na ang pamasahe sa unang apat na kilometro habang dagdag na P0.10 sa kada susunod na kilometro.


Sakop nito ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa regions.


Dagdag ni Ginez, kanilang kinonsidera hindi lamang ang kapakanan ng mga public utility jeepney operators (PUJ) at drivers kundi maging ang mga low- at middle-income classes.


Nagpaalala si Ginez sa PUJ operators na dapat ay kumuha muna ng kopya ng fare matrix bago ipatupad ang fare adjustment.


Epektibo umano ang fare hike sa June 14, 2014.


The post Dagdag-pasahe, ipinagbunyi ng FEJODAP appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dagdag-pasahe, ipinagbunyi ng FEJODAP


No comments:

Post a Comment