Thursday, May 29, 2014

Foreign students sa bansa, dagsa na – BI

IPINAGMALAKI ng Bureau of Immigration (BI) na dumami pa ang foreign students na nais mag-aral sa Pilipinas.


Ayon kay BI Spokesperson Atty. Elaine Tan, ito ay dahil sa mahusay na pagsasalita at epektibong pagtuturo ng ingles ng mga Pilipino.


Ipinabatid ni Tan na nakapaglabas na ang kawanihan ng 5,719 student visa sa mga foreigner, na 1,530 dito ay mga Korean.


Sumunod sa pinakamaraming dayuhang estudyante ay galing sa India, pangatlo ay mga Iranian at pang-apat ay mga Chinese.


Karamihan ng foreign students ay naka-enroll sa mga unibersidad at kolehiyo sa Kamaynilaan tulad ng Centro Escolar Unviersity (CEU), Adventist University of the Philippines (AUP), University of the East (UE), Far Eastern University (FEU), Manila Central University (MCU), University of Sto. Tomas (UST), Jose Rizal University (JRU) at De la Salle University (DLSU).


The post Foreign students sa bansa, dagsa na – BI appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Foreign students sa bansa, dagsa na – BI


No comments:

Post a Comment