PATAY ang isang sekyu matapos pagsasaksakin ng lasing na obrero matapos hindi papasukin ng una ang huli sa bakuran ng kompanyang pinagtatrabahuhan sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi, Mayo 28.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga saksak sa katawan si John Mariano, 43, sekyu ng Canada Sawmill Corp., sa MacArthur Highway, Marulas ng lungsod.
Nadakip naman ang suspek na si Celso Gujilde, nasa hustong gulang ng Marulas ng lungsod.
Sa ulat, alas-9:30 ng gabi, nakabantay sa nasabing kompanya ang biktima nang dumating ang lasing na suspek na naging dahilan upang hindi papasukin ng sekyu.
Nagalit ang suspek dahilan upang magtalo hanggang sa bumunot ang una ng patalim sabay saksak sa biktima.
Nagawa pang makatakas ng suspek subalit nadakip din sa isinagawang follow-up operation.
The post Sekyu tigbak sa taga ng senglot appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment